Pembaca tercinta, kami akan menggunakan izin cookie yang sesuai untuk memastikan situs web kami beroperasi dengan normal agar dapat memberi konten khusus yang lebih cocok untuk Anda dan juga memastikan Anda mendapatkan pengalaman membaca terbaik. Jika ada yang sesuai, Anda dapat mengubah izin Anda pada entri pengaturan Cookie di bawah ini.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Tambahkan Innovel ke halaman utama untuk menikmati novel terbaik.
Pembaca tercinta, kami akan menggunakan izin cookie yang sesuai untuk memastikan situs web kami beroperasi dengan normal agar dapat memberi konten khusus yang lebih cocok untuk Anda dan juga memastikan Anda mendapatkan pengalaman membaca terbaik. Jika ada yang sesuai, Anda dapat mengubah izin Anda pada entri pengaturan Cookie di bawah ini.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Pengaturan cookies anda
Pengaturan cookies ketatSelalu aktif
(CRUSH TO LOVERS)
UMUR UNTUK MEMBACA 18+
Parry
Romance
ABSTRAK
EPISODE-1Sa isang mataong classroom kung saan maingay ang mga estudyante, tahimik na nakaupo si Liam sa kanyang pwesto malapit sa bintana. Maraming babaeng kaklase ang sumisilip sa kanya, kinikilig habang nagbubulungan. Sanay na siya sa atensyon, pero wala siyang pakialam sa kanila.Dahil ang tunay na dahilan ng kanyang pag-upo sa pwesto na ‘yon ay para makita ang isang tao—Si Elise.Nakaupo ito sa pinakaharap, malapit sa teacher’s table, abala sa pagbabasa ng libro habang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid. Laging ganito si Elise—tahimik, seryoso, at parang may sariling mundo.At si Liam? Matagal na niyang hinahangaan ito.Pero paano ba siya magpapansin kung halos hindi siya tinitingnan ni Elise?Dahil sa isang iglap, nagbago ang lahat.Habang abala sa pagbabasa, biglang nalaglag ang ballpen ni Elise sa sahig, gumulong ito palapit sa kinauupuan ni Liam. Walang sabi-sabing yumuko siya para damputin ito, pero sa parehong sandali, yumuko rin si Elise.Nagpang-abot ang kanilang mga kamay.Nagkatinginan sila.At sa unang pagkakataon, nasilayan ni Liam ang malalalim na mata ni Elise—ang babaeng matagal na niyang tinititigan mula sa malayo Nagtagal ang tinginan nila ni Elise. Hindi sigurado si Liam kung ilang segundo ang lumipas, pero pakiramdam niya, bumagal ang oras.Agad na iniwas ni Elise ang tingin at mabilis na kinuha ang ballpen. "Salamat," mahinang sabi nito bago bumalik sa pagbabasa.Napangiti si Liam. Kahit saglit lang iyon, iyon na ang pinakaunang beses na kinausap siya ni Elise."Uy, bro, anong ngiti ‘yan?" tanong ng kaibigan niyang si Jake, na nakaupo sa tabi niya."Ha? Wala, wala.""Sinungaling. Kanina pa kita nakikitang nakatingin kay Elise ah," tukso ni Jake.Siniko niya ito nang mahina. "Tumigil ka nga."Pero kahit itanggi niya, hindi niya kayang alisin ang kilig na nararamdaman niya.---Simula nang araw na iyon, nagkaroon ng bagong mission si Liam—ang mapansin siya ni Elise.Kaya naman tuwing break time, sinasadya niyang dumaan sa harap ng upuan nito. Kapag nasa library ito, nag-kukunwaring naghahanap din siya ng libro. Sa tuwing naglalakad si Elise sa hallway, sinisigurado niyang nandun din siya, kunwari’y may kausap.Sa bawat pagkakataong iyon, walang palyang napapatingin si Elise sa kanya.Pero hindi dahil interesado ito—kundi dahil nagtataka."Parang lagi kang nasa paligid," isang araw ay diretsong sinabi ni Elise nang magkasalubong sila sa library.Nagulat si Liam. Hindi niya akalaing mapapansin siya nito agad."Ah… baka naman tadhana?" pabirong sagot niya.Napakunot-noo si Elise. "Ang corny."At saka siya iniwan.Napakamot na lang sa ulo si Liam. Mukhang kailangan pa niyang pagbutihin ang plano niya.--Isang tanghali, habang nasa canteen si Liam kasama ang mga kaibigan, bigla siyang nakarinig ng sigawan.Pagtingin niya, nakita niyang may estudyanteng nabunggo at natapunan ng juice—si Elise.Agad siyang tumayo at lumapit. "Okay ka lang?"Tumango si Elise habang pinupunasan ang uniform niya. "Ayos lang, aksidente lang naman."Pero halata sa mukha nito ang inis."Bakit kasi hindi nag-iingat ‘yung iba?" bulong niya.Nag-init ang dugo ni Liam nang makita kung sino ang nakabangga kay Elise—si Trina, isa sa mga babaeng palaging nagpapansin sa kanya."Sorry naman," sabi ni Trina, pero halata sa tono na hindi ito sincere.Hindi nagdalawang-isip si Liam. Hinubad niya ang kanyang varsity jacket at inabot kay Elise. "Suotin mo muna ‘to habang hindi pa natutuyo ‘yang uniform mo."Nagulat si Elise, pati na rin ang lahat ng nasa paligid nila.Pero ang mas nakakagulat? Kinuha ni Elise ang jacket at isinuot ito.At ‘yon ang unang beses na nakita ni Liam ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Elise.---Chapter 5 - Ang Hindi Malilimutang JacketKinabukasan, suot pa rin ni Elise ang varsity jacket ni Liam."Uy, bro, ‘di mo pa binabawi?" tanong ni Jake.Ngumiti lang si Liam. "Hayaan mo lang. Bagay naman sa kanya, ‘di ba?"Pero sa totoo lang, may gusto siyang gawin.Nang mag-uwian na, sinabayan niya si Elise."Ah, Elise, gusto mo ba akong samahan saglit sa sports complex?" tanong niya.Nagtaas ito ng kilay. "Bakit naman?""Hmm… basta. Surprise," sagot ni Liam.Dahil wala naman itong gagawin, sumama si Elise.Pagdating nila roon, nagpunta sila sa locker room ng team ni Liam. Binuksan niya ang locker niya at may kinuha—isang bagong varsity jacket."Para sa’yo na ‘yung suot mo," sabi niya.Nagulat si Elise. "Ha? Bakit?""Para maalala mo ‘ko tuwing susuotin mo ‘yan."Hindi nakaimik si Elise. Pero sa sumunod na araw, suot niya pa rin ang jacket.At doon nagsimulang mapansin ni Liam—unti-unting nagbabago ang tingin ni Elise sa kanya. SEE YOU ON EPISODE 2