Innovel - 📖 When Our Worlds CollideChapter 1 – The Girl with the Moon in Her Eyes“May mga taong darating sa buhay mo na parang bagyo—mabi
close button

Tambahkan Innovel ke halaman utama untuk menikmati novel terbaik.

📖 When Our Worlds CollideChapter 1 – The Girl with the Moon in Her Eyes“May mga taong darating sa buhay mo na parang bagyo—mabi
book-rating-imgUMUR UNTUK MEMBACA 18+
chayie.0
Fantasy
ABSTRAK
📖 When Our Worlds CollideChapter 1 – The Girl with the Moon in Her Eyes“May mga taong darating sa buhay mo na parang bagyo—mabilis, magulo, at iiwan kang basang-basa. Pero meron ding darating na parang ulan sa tag-init. Hindi mo hiningi, pero biglang nandiyan na lang sila.”First Bell“Late ka na naman, Mara!” sigaw ni Kai habang hinahatak ang bag ko sa labas ng tricycle.“Hindi ako late. Five minutes before the bell is still early,” sagot ko, sabay ayos ng buhok na ginulo ng hangin.Kai rolled his eyes. “Alam mo, kung hindi ka best friend, matagal na kitang iniwan. Ikaw lang yata ang taong hindi nagmamadali kahit end of the world na.”Napatingin ako sa langit. Wala pa ang araw ng todo, pero kita ang manipis na bakas ng buwan sa liwanag ng umaga. End of the world, huh? Minsan parang gano’n ang buhay—paulit-ulit, parang umiikot sa parehong orbit.“Come on, Mara!”The Transfer StudentPagpasok namin sa 11-B, normal lang. Maingay. Kalat. Same faces, same voices. Routine. Walang bago.Hanggang bumukas ang pinto.Tahimik. Parang may invisible na kamay na huminto sa ingay ng buong klase.“Class,” sabi ng adviser namin, “we have a new student. Meet Celeste Navarro.”Celeste. The name felt… soft, pero mabigat sa dulo. At nung nakita ko siya, parang huminto ang mundo.Mahaba ang buhok niya, black as ink. Maputla ang balat, halos kumikislap sa ilalim ng fluorescent light. Pero ang pinaka-nakapagpatigil sa akin? Ang mga mata niya. Hindi ko alam kung itim, asul, o may halong pilak. Parang may liwanag na nakatago sa ilalim ng dilim.Tahimik siya habang nagsasalita ang teacher. “Hi.” Isang salita lang, pero sapat para parang kumapit sa hangin ang boses niya.“You can sit…” The teacher looked around. “…beside Mara.”Napalingon ang lahat sa akin. Great.Lumapit siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi mabilis, hindi mabagal. Sakto lang. Bawat hakbang niya parang sinukat ang distansya ng buong mundo.Umupo siya.“Hi,” bulong ko, mahina, halos hindi ko narinig ang sarili ko.Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Tumama ang mga mata niya sa mga mata ko.“Hi,” sagot niya, parehong mahina. Pero may kakaiba. Parang hindi lang basta greeting. Parang tanong. Parang… “Sigurado ka ba diyan?”Ngumiti siya. Isang maliit na ngiti lang, halos hindi halata. Pero sapat para kumabog ang puso ko.At doon, naramdaman ko na: May mali sa araw na ‘to. O baka may tama.After ClassWala akong ginawa buong araw kundi bantayan siya mula sa gilid ng paningin ko. Hindi siya nagsalita maliban kung tinawag ng teacher. Hindi siya lumapit sa iba kahit obvious na maraming gustong kumausap sa kanya.Pagkatapos ng klase, nagmamadali akong lumabas.Pero bago ako makalabas, naramdaman kong may nakatingin sa akin.Celeste.Nakatayo siya sa gitna ng classroom. Tahimik. Hindi gumagalaw. Nakatingin lang… diretso sa akin.“Ano?” tanong ko, medyo naiirita kasi hindi ako sanay sa gano’ng titig.Tumaas ang isang kilay niya. “Nothing.”At dumaan lang siya sa tabi ko na parang ako lang ang hangin.---At Home“Hoy, may bagong student daw sa class mo?” tanong ni Ate habang nagbabalat ng mangga.“Hmm,” sagot ko, umiinom ng tubig.“Maganda raw sabi ng mga kaklase mo. Crush mo na agad?”Naalala ko ang mga mata niya. Ang ngiti niya. Ang presensya niya. Hindi lang basta maganda. May ibang level. Parang hindi siya dapat nandito sa mundong ‘to.“Hindi,” mabilis kong sagot. Pero napansin kong nakangiti ako habang sinasabi iyon.---That NightHindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin siya. Sino ba talaga si Celeste Navarro? Ano ang meron sa kanya at parang lahat ng ingay ng mundo humihinto pag nandiyan siya?Nakatitig ako sa bintana, sa buwan. Maliwanag ngayon, halos bilog.At sa gitna ng katahimikan, isang boses ang parang dumaan sa hangin.“Mara…”Napatingin ako agad.Parang boses niya.Parang boses ni Celeste.Pero paano? Wala naman siya dito.Kinilabutan ako.At doon ko lang napansin… may kumikislap na manipis na guhit ng liwanag sa pulso ko. Hugis… kalahating buwan.At naisip ko lang: Ano ba talaga ang pumasok sa buhay ko?parang kinuryente ako sa loob.

Perpustakaan

Temukan

search

Saya