Pembaca tercinta, kami akan menggunakan izin cookie yang sesuai untuk memastikan situs web kami beroperasi dengan normal agar dapat memberi konten khusus yang lebih cocok untuk Anda dan juga memastikan Anda mendapatkan pengalaman membaca terbaik. Jika ada yang sesuai, Anda dapat mengubah izin Anda pada entri pengaturan Cookie di bawah ini.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Tambahkan Innovel ke halaman utama untuk menikmati novel terbaik.
Pembaca tercinta, kami akan menggunakan izin cookie yang sesuai untuk memastikan situs web kami beroperasi dengan normal agar dapat memberi konten khusus yang lebih cocok untuk Anda dan juga memastikan Anda mendapatkan pengalaman membaca terbaik. Jika ada yang sesuai, Anda dapat mengubah izin Anda pada entri pengaturan Cookie di bawah ini.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Pengaturan cookies anda
Pengaturan cookies ketatSelalu aktif
SA LIKOD NG KATAHIMIKAN
UMUR UNTUK MEMBACA 18+
Lyn Buenaventura
Romance
ABSTRAK
TITLE:SA LIKOD NG KATAHIMIKANTeen Fiction • Drama • Friendship • Based on True StoryAng kwentong ito ay base on true story about to sa pagtitiwala ng buong pagkakaibigan, at sa mga bagay na pinili kong sarilinin para sa kapakanan ng iba.STORYApat kami noon. Isang barkada na akala ko ay buo at totoo. Isang pagkakaibigang pinaniwalaan kong walang siraan, walang talikuran, at walang backstab-an.Quadro kami. At sa apat na ‘yon, may isang taong tinuring kong higit pa sa kaibigan—tinuring kong kapatid. Mabait siya, masayahin, at laging may dalang tawa sa grupo. Siya yung tipo ng tao na kahit pagod ka na, mapapangiti ka pa rin kapag kasama mo siya. Kaya kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko na kaya niyang manira ng kapwa niya kaibigan.Hindi rin kami yung tipo ng barkada na nagsisiraan. Kapag kaming tatlo lang ang magkakasama at wala yung isa, never naming pinag-usapan ang masama tungkol sa kanya. Walang lait, walang tsismis, walang paninira. Kung may problema, tahimik lang. Kung may tampuhan, sinasarili. Ganun ang pagkakaalam ko sa amin.Kaya hindi ko akalain na habang buo ang tingin ko sa amin, may mga salitang sinasabi pala sa likod ko lalo na kapag wala ako. Hindi ko alam na isa-isa pala kaming sinisiraan, na parang kaming lahat ay nagba-backstab-an kahit hindi naman totoo.Masakit isipin na yung taong pinaka-pinagkatiwalaan ko, yung taong tinuring kong kapatid, siya pala ang unti-unting sumisira sa imahe ko sa harap ng iba.Kasabay ng lahat ng ito, may mga desisyon kaming nagawa noon na hindi tama. Tatlo kaming magkakaibigan na nadamay sa isang maling sitwasyon. Takot kami, walang sapat na alam, at madaling naniwala. Nakipag-video call kami sa isang dayuhan, umaasang may kapalit. Pero walang dumating. Hindi kami nabayaran. At sa sobrang hiya at takot, napagdesisyunan naming itigil na lang at kalimutan ang lahat.Akala ko doon na matatapos ang lahat.Pero makalipas ang ilang taon, bumalik ang bangungot ako na lang ang mag-isa. May video na kumalat. May taong nanakot sa akin. Sinabi niyang ipopost niya ang video kapag hindi ako sumunod sa gusto niya. Araw-araw akong natatakot. Araw-araw akong nabubuhay sa kaba.Pero kahit ganon, hindi sarili ko ang unang inisip ko.Iniisip ko pa rin ang mga kaibigan ko. Ayokong madamay sila. Ayokong masira ang pag-aaral nila. Ayokong mawalan sila ng focus. Kaya pinili kong manahimik. Pinili kong akuin ang lahat kahit ako ang masaktan.Akala ko, sa pananahimik ko, mapoprotektahan ko sila.Pero ako pala ang napahamak.Baliktad ang nangyari. Ako ang napagbintangan. Ako ang naging masama sa kwento. Mas pinaniwalaan nila ang taong nanakot sa akin kaysa sa akin na kaibigan nila. At doon ko unti-unting nakita kung gaano kabilis mabago ang tingin ng mga tao kapag may narinig silang hindi kumpleto ang kwento.Kumalat ang balita sa school. Lumayo ang mga kaklase ko. Yung mga dating kausap ko, biglang hindi na ako pinapansin. At yung mga personal na kwento ko tungkol sa pamilya ko, sa mga problema ko, sa mga bagay na sinabi ko nang may tiwala lahat ‘yon ay binulgar.Kapag sinusubukan kong ipagtanggol ang sarili ko, iisa lang ang sagot na naririnig ko:“Eh totoo naman.”Oo, totoo.Pero hindi ibig sabihin nun ay tama.Hindi ibig sabihin nun na may karapatan silang sirain ako.Ngayon, dala-dala ko pa rin ang bigat ng lahat. Masakit pa rin. Mahirap pa rin. Pero natutunan ko na hindi lahat ng tinatawag mong kaibigan ay kakampi mo sa likod mo.Isinusulat ko ito hindi para manira, kundi para maglabas ng bigat. Para sa mga taong naniwala sa pagkakaibigang akala nila ay buo, pero tahimik palang gumuho.Ito ang kwento ko.Isang kwento ng tiwala.Isang kwento ng katahimikan.Isang kwentong totoo.