Pembaca tercinta, kami akan menggunakan izin cookie yang sesuai untuk memastikan situs web kami beroperasi dengan normal agar dapat memberi konten khusus yang lebih cocok untuk Anda dan juga memastikan Anda mendapatkan pengalaman membaca terbaik. Jika ada yang sesuai, Anda dapat mengubah izin Anda pada entri pengaturan Cookie di bawah ini.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Tambahkan Innovel ke halaman utama untuk menikmati novel terbaik.
Pembaca tercinta, kami akan menggunakan izin cookie yang sesuai untuk memastikan situs web kami beroperasi dengan normal agar dapat memberi konten khusus yang lebih cocok untuk Anda dan juga memastikan Anda mendapatkan pengalaman membaca terbaik. Jika ada yang sesuai, Anda dapat mengubah izin Anda pada entri pengaturan Cookie di bawah ini.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Pengaturan cookies anda
Pengaturan cookies ketatSelalu aktif
Betrayed to be Loved
UMUR UNTUK MEMBACA 18+
Lovey Lee
Romance
ABSTRAK
Sa isang buhay na puno ng kalayaan at walang patutunguhan, may isang lalaki na tila wala nang balak magtino. Siya si Francis, tatlumpu’t anim na taong gulang, isang tao na kilala bilang "happy-go-lucky," walang pakialam sa bukas, at laging hinahabol ang pansamantalang saya. Isa siyang inhinyero, pero hindi kailanman pumasa sa board exam—at mukhang wala rin siyang balak subukan.
Sa mga kaibigan, siya ang hari ng kasiyahan—laging kasama sa inuman, laging may kwentong patawa. Pero sa kabila ng kanyang mga ngiti, siya’y isang lalaking walang pangarap, walang pamilya, at walang anak. Takot siyang harapin ang mga seryosong bagay sa buhay, lalo na pagdating sa mga relasyon at mga responsibilidad. Para kay Francis, ang bawat araw ay isang pagtakas—isang pagkakataon na umiwas sa kahit anong bagay na may halaga, mga bagay na maaaring magtulak sa kanya na maging seryoso o magtama ng landas.
Sa likod ng bawat tagay ng alak at bawat babaeng kanyang nakikilala, may isang bagay siyang pilit na tinatakasan—isang buhay na puno ng ligaya, pero walang tunay na laman.
Narito naman si Patricia, isang babaeng tila handa na sa pinakamalaking hakbang sa kanyang buhay. Isang chef na hinangaan sa Las Vegas, iniwan niya ang kanyang pangarap na trabaho para sundan ang pag-ibig na akala niya'y magbibigay sa kanya ng walang hanggang kaligayahan. Naniwala siya sa mga pangako ng kanyang nobyo—isang mayamang tagapagmana ng isang malaking kompanya ng importasyon—na ibibigay nito sa kanya ang mundo.
Ngunit sa mismong araw ng kanilang kasal, nalaman niya ang katotohanan na bumasag sa kanyang puso: ang lalaking minahal niya ng lubos, ang taong sinakripisyo niya ang lahat para makasama, ay nagtaksil sa kanya. At ang pinakamalupit na bahagi? Ang babae ay walang iba kundi ang kanyang matalik na kaibigan mula pagkabata.
Ang sakit ng katotohanan ay nagdulot ng biglaang desisyon—tumakbo si Patricia palayo, dala ang bigat ng kanyang nasirang pangarap at mga sugat na tila hindi na gagaling. Wala na siyang pakialam sa marangyang kasalan, sa mga bisita, o sa mga pangako ng kanyang nobyo. Ang tanging nasa isip niya ay ang makatakas—hindi lamang mula sa kasal na ito, kundi mula sa isang buhay na puno ng kasinungalingan.
Paano kaya magbabago ang buhay ng dalawang ito sa kanilang hindi inaasahang pagkikita sa isang maliit na cabin?