Innovel - The Innocent girl
close button

Tambahkan Innovel ke halaman utama untuk menikmati novel terbaik.

The Innocent girl
book-rating-imgUMUR UNTUK MEMBACA 18+
Maricel Saucelo Cordero
Romance
ABSTRAK
prolonged Mula sa isang simpleng pamilya si Liza Buenaventura kung kaya't sa murang edad sya ay sabak na sa mga responsibilidad na nakaatang sa kanya. Isang magsasaka ang kanyang mga magulang na parehong d nakatuntong nga pag-aaral kung kayat sa pagdasaka lang ang kanilang hanapbuhay. Masipag at mabait si Liza, pangarap nyang maging isang magaling na guro katulad ng kanyang adviser na si Gng.Cordero, maaga syang nagigising upang ipaghanda ang mga kakailanganin nya sa pagpasok sa paaralan ay maalagaan ang kanyang mga inaheng manok na isa sa kanyng pinagkukunang panggastos sa kanyang mga proyekto sa paaralan, sabay sabay nyang nagagampanan ang pag aalaga ng mga inaheng bukod sa kanyang mga alagang manok ay may maliit din syang palayan sa likod ng kanilang tahanan. Isang umaga, laking tuwa nya nang masilayan ang mga lalagyan ng mga itlog kung saan nangingitlog ang kanyang mga inahen na halos hindi na magkasya sa lalagyan dahil sa dami ng mga itlog na nandoon. Naku! salamat sa inyo aking mga kapatid at biniyayaan nyo ako ng napakaraming itlog ngayong araw napakalaking tulong nito sa akin sapagkat may maipambabayad na ako sa graduation fee ko, maraming salamat! sabay halik sa mga ito, ganito sya lageh sa tuwing natutuwa sya sa kanyang mga alaga.kinakausap nya ang mga ito na parang tao, natutuwa sya sa tuwing makikita nyang nasa maayos ang mga ito. Isa-isa nyang inilalagay sa isang tray ang mga nakuha nyang itlog at napuno nya ang tatlong tray at pagkatapos inihanda na nya ang mga ito para pag alis nya madali na lamang nya itong bibitbitin upang maibenta sa kanyang mga suki sa kanyang pinapasukang university sa isang pampublikong university sya nag aaral sa Leyte Normal University ng lungsod ng Tacloban, ang lungsod ng mga masasayahing mga tao, ika nga ni mayor Cristina Gonzales Romualdez, nasa ikaapat na taon na sya sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Filipino., at ilang buwan na lamang ay magbubunga na ang kanyang mga sakripisyo upang makamit ang kanyang mga pangarap na maiahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang..Sya ang bunso sa apat na magkakapatid at sya lamang ang nag interes ng pag -aaral sapagkat lahat ng kanyang mga ate at kuya ay pare pareho nang nag asawa nang maaga kung kaya't ipinangako nya sa sarili na hindi sya tutulad sa kanyang.mga kapatid. Lisa!halika kana! at ng makapag almusal ka muna bago ka pumasok sa paaralan, narinig nya wika ng kanyang ina mula sa kanilang maliit na kusina..Natutuwa rin sya sa kanyang mga magulang sapagkat kapos man sila ay maalaga at busog nman sya ng pagmamahal ng kanyang mga magulang, hindi rin naman nagkulang ang mga ito na suportahan sya sa kanyang mga plano para sa kanilang kinabukasan. Dali daling syang pumanaog upang makapaligo at mabilis ang kanyang mga kilos upang hindi sya mahuli sa kanyang unang subject, pinag iinitan pa naman sya ng kanyang instructor sa prof ed na isang napakasungit at hindi marunong ngumiti ngunit napakagwapo nito na malaadonis ang mukha, yon nga lang wala yata sa bokabularyo nito ang salitang "ngiti".Ito lageh ang bukambibig ng kanyang mga kaklase dahil hindi matatawaran amg kagwapuhan nito ngunit sya lamang yata ang hindi kinikilig sa naturang instructor siguro dahil wala pa sa kanyang isip ang ligaw ligaw dahil prayoridad nya ang makapagtapos muna ng pag aaral para maiahon nya sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Kung katawan lang naman ang pag uusapan ay hindi naman sya pahuhuli may taglay syang makurbang katawan at mahahabang binti na pang miss universe kung bansagan ng kanyang mga kaklaseng lalake ngunit kibit balikat lamang ang kanyang isinusukli sa mga ito, maraming mga nagpapalipad hangin sa kanya ngunit hindi nya ito iniintindi at mas lalong hindi nya siniseryoso ang mga ito, ngunit.laking pagtataka nya na mainit ang dugo sa kanya ni professor Sebastian ngunit hindi nya na lamang ito pinapansin.,ilang buwan nlang kasi at maghihiwalay na sila ng landas ng kanilang professor sapagkat matatapos na nya ang apat na taong kurso nya sa kolehiyo kung kaya't pinagtitiyagaan na lamang nya ito. Sinasabi nya na lamang sa kanyang sarili na nagmemenopause ito kaya nagkataon lang na sya ang napagtritripan, pilyong bulong nya sa sarili.. Pagkadating nya sa paaralan ay tiningnan nya ang malaking orasan na nakakabit sa may guard house at napagtanto nyang malaki pa ang kanyang oras para sa kayang unang asignatura kaya dumiretso sya sa faculty room kung saan naroroon ang kanyang mga suking guro sa nasabing unibersidad.,Nakita nyang maaga rin na pumasok si Dr. Castro na syang pagdadalhan nya ng mga itlog kung kaya't laking tuwa nya dahil hindi nya na kailangan pang maghintay at makakapasok sya agad sa kanilang classroom. oh! Liza mabuti't may dala kang mga itlog, tuwang sambit ni Dr. Castro kay Liza, Ayy opoh sir bagong harvest po ang mga ito at napakasariwa po, ngiting sagot ni Liza kay professor Castro na nasa edad saysenta na ngunit bata pa ring tingnan dahil marunong magdala ng problema ito, hindi ito nagpapadala stres

Perpustakaan

Temukan

search

Saya